Dagdag na honoraria para sa mga miyembro ng electoral board, ipinangako

0
381

Nangako ang Commission on Election (Comelec) en banc noong Huwebes na magbibigay ng karagdagang honoraria sa lahat ng miyembro ng electoral board na nagsilbi sa halalan noong May 9 nang lampas sa oras ng kanilang trabaho.

Hindi pa nagbibigay ng eksaktong halaga ng karagdagang honoraria sa mga EB ang Comelec ngunit kabilang ang mga tauhan ng teaching at non-teaching personnel mula sa Department of Education sa mga tatanggap ng dagdag na honoraria.

Nakasaad sa pinakahuling resolusyon ng Comelec na ang mga chairperson at miyembro ng EB, Department of Education supervisor official (DESO), at kani-kanilang support staff ay may karapatan sa travel allowance na nagkakahalaga ng PHP2,000 bawat isa. Habang ang mga kawani ng DESO at DESO ay makakatanggap din ng communication allowance na PHP1,500 bawat isa.

Dagdag dito, ibibigay ang PHP500 anti-Covid-19 allowance sa EB, DESO, at sa kani-kanilang support staff, medical personnel, at EAPP support staff.

Ito ay bukod pa sa honoraria na nagkakahalaga ng PHP7,000 para sa EB chairperson, PHP6,000 para sa EB members, PHP5,000 para sa DESO, at PHP3,000 para sa support staff at medical personnel.

Nauna dito, sinabi ng Comelec na ang allowance at honoraria ay “babayaran sa loob ng 15 araw mula sa petsa ng halalan.”

“It’s not called overtime pay but additional honoraria. Ginawa na po natin ito noong 2019 para po doon sa mga electoral boards na nagsilbi ng higit sa oras para po matapos (We have done this already in 2019 elections for those electoral boards who worked more than required hours just to finish),” ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa isang  press conference sa Pasay City kanina.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.