Dagdag proyektong pabahay para sa mga biktima ng pagsabog ng Taal, isinasagawa

0
199

Nakikita ng gobyerno ang pagkakaroon ng mas maraming resettlement housing projects para sa mga biktima ng pagputok ng Taal volcano sa Batangas province, ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) kahapon.

Ang nabanggit na pahayag ay ipinalabas matapos lagdaan ni DHSUD Secretary Eduardo del Rosario ang isang memorandum of agreement (MOA) kasama si San Nicolas Mayor Lester de Sagun noong Biyernes para sa land acquisition deal na magbibigay daan sa pagtatayo ng resettlement site sa munisipyo ng San Nicolas, Batangas.

Si Del Rosario ay bumibisita sa lalawigan para sa isang serye ng mga pagtatasa at inspeksyon.

Sa kanyang mga pagbisita, pinangako ni Del Rosario na tulungan ang mga munisipalidad na apektado ng pagsabog ng Taal, na kinabibilangan ng mga recovery programs para sa mga residente at pagpaplano mitigation measures para sa mga susunod na pagsabog ng bulkan.

Batay sa muling pagsusuri ng DHSUD, ang munisipalidad ng San Nicolas ay isang ligtas na lokasyon, kahit na nasa loob ng 14-kilometrong radius ng bulkang Taal, kung kaya’t ang lugar ay ligtas na pagtayuan ng relocation site.

Sa ilalim ng kasunduan, pangungunahan ng DHSUD Regional Office 4-A (Calabarzon) ang pagpapatupad nito sa pakikipag-ugnayan sa Housing and Real Estate Development Regulation Bureau, sa pamamagitan ng incentivized compliance upang itulak ang balanseng programa sa pabahay.

Binabalak ng pamahalaan na itao ang proyektong pabahay sa Barangay Maabud North, San Nicolas para sa mga residenteng malapit sa danger zones.

Nauna nang isinara ng DHSUD ang isang commitment agreement na magbibigay ng PHP30 milyon sa iba’t ibang local government units sa lalawigan ng Batangas na magagamit para tulungan ang kanilang mga nasasakupan na apektado ng pagputok ng Taal Volcano noong Enero 2020.

Ang inisyatiba na ito ay bahagi ng mandato at pagsisikap ng Taal Shelter Task Force sa pagbibigay ng mas ligtas, adaptive, at disaster-resilient housing units sa mga indibidwal na ang buhay ay naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.