Dagdag responders umakyat sa Mayon upang ibaba ang mga biktima ng bumagsak na eroplano

0
305

Nagsimulang umakyat sa Mt. Mayon ang mga karagdagang responder kanina upang tumulong sa pagbaba ng mga labi ng apat na pasahero ng Cessna plane na bumagsak malapit sa bunganga ng bulkan noong Pebrero 18.

Naglakbay ang grupo bandang alas-5 ng umaga ang mga bagong batch ng mga responder, na umabot sa 62, ayon sa isang post sa social media ni Camalig Mayor at Incident Commander Carlos Irwin Baldo Jr.

Sinabi ni Baldo na inatasan ng incident management team (IMT) ang paglalagay ng karagdagang manpower matapos mapagod ang naunang team sa ibabaw ng slope ng bulkang Mayon.

“The IMT still eyes to seek support from the air assets/helicopters if the skies clear. Helicopters are not advised to fly and hover above priority areas due to the unfavorable weather, which presently causes limited to zero visibility,” ayon sa kanya.

Pinayuhan din ni Baldo ang team na isagawa ang operasyon ng may buong pag iingat upang maiwasan ang mga aksidente dahil ang mga responder ay kasalukuyang nahaharap sa mga mahirap na sitwasyon.

“The Incident Management Team proposed 20 personnel per body as one of their alternative measures to relay down the bodies for 200 to 300 meters and will be hoisted as the team locates a safe landing zone,” ayon sa paliwanag ng mayor.

Sinabi ni Tim Florece, tagapagsalita ng Camalig, sa isang panayam na ang kasalukuyang mabagal ang galaw ng mga team dahil sa mga panganib na dulot ng terrain ng bulkan at ang mahangin na panahon na dulot ng northeast monsoon.

“Kasalukuyang naka-standby ang 62 responders sa forest ranger station (FRS). Sa ngayon, 93 responders na sila sa FRS dahil malakas ang hangin, maluwag na lupa, matarik na dalisdis, at zero visibility,” ayon kay Florece.

Idinagdag niya na mula sa unang araw ng operasyon, halos 700 responders mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, organisasyon, at grupo ang nag-check in sa command center.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.