Dahil sa mababang bentahan sa merkado, mga gulay, itinambak na lamang sa kalsada sa Benguet

0
241

Itinambak na lamang sa gilid ng kalsada sa Kilometer 21 sa Tublay, Benguet ang daan-daang ulo ng repolyo matapos madismaya ang ilang magsasaka sa napakababang bentahan nito sa pamilihan.

Nakatambak na lamang ang bulto ng repolyo sa kalsada dahil nababaan daw masyado ang mga magsasaka sa wholesale price sa Benguet AgriPinoy Trading Center.

Maaari raw kumuha ng kahit ilang piraso ng repolyo mula sa tambak ang mga taong dumaraan.

Samantala, ibabalik sana sa bayan ng Atok ang isang truck ng labanos dahil wala raw gustong bumili ng mga ito, pero lipinamigay na lamang ang mga ito.

Naglalaro sa P3 hanggang P15 ang presyo kada kilo ng repolyo, depende sa klase, base sa huling monitoring ng Benguet AgriPinoy Trading Center.

Pumapalo naman sa P5 hanggang P18 ang wholesale price ng labanos.

Ayon sa alkalde ng La Trinidad, wala silang na-monitor na oversupply ng gulay sa probinsya. Sadyang mababa lang daw ang kuha ng buyers sa Maynila at iba pang lugar.

Photo credit: @Evelyn B. Masway

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.