Dalagang online seller timbog sa P.6 milyong halaga ng shabu

0
211

LUCENA CITY, Quezon. Agad na nahuli at ikinulong ang isang babaeng online seller matapos mahulog sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kung saan nakumpiska ang mahigit sa P.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu. Ang insidente ay naganap kagabi sa Purok Mangga 2, Barangay Mayao Crossing sa lungsod na ito.

Kinilala ni PLt. Col. Ruben Ballera Jr., hepe ng Lucena City Police Station, ang babaeng suspek na si Charisse Ann Gunda, kilala rin sa tawag na “Cha,” 35 anyos, dalaga at residente ng Blk. 12 L13 and 14 Maurice St. St. Jude 4A, Mayao Crossing. Kasama siya sa listahan ng mga high value individuals na nbonabantayan ng Quezon Provincial Police Office.

Sa buy-bust operations na isinagawa ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) bandang alas-7:56 ng gabi, nahuli ang suspek na may dalang isang piraso ng P1,000 na marked money, 10 piraso ng P1,000 na boodle money, at mayroong 32.53 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P663,612.00.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.