Dalangin namin na magpatuloy sa mabuting gawain ng mga health frontliners

0
336

Kahit muling napasalang sa malaking panganib dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kasong Covid ay nananatiling positibo ang kaisipan at paninindigan ng ating mga health frontliners.

Huling linggo ng Nobyembre 2021 matapos mabalita ang Omicron Variant ng Africa ay naghanda ang bansa sa posibleng pagpasok nito.

Agad tinutukan ang mga clinical studies ng mga bansang naunang nakaranas ng paglaganap ng omicron variant at inalam at sinuri ang mga epekto nito sa kalusugan ng mga pasyente. 

Naunang umatake ang Omicron sa ibayong dagat. Ngunit katulad ng ibang naunang variants, pinangambahan natin na papasok at papasok din ito sa Pilipinas. At hindi na nga naiwasan ito dahil sa kawalan ng pag iingat ng maraming naging kampante noong bumaba ang kaso ng active cases sa buong bansa. Naging dahilan ng mabilisang pagdami ng kaso ang pagiging iresponsable ng ilan kagaya ni Poblacion Girl na nag-skip ng quarantine protocols at nag-party.

Maaaring hindi isolated case si Poblacion Girl. Sa umiiral na ugali at kawalang pagpapahalaga sa kaligtasan ng iba ay mayroon pa tayong ilang kababayang tulad ni Poblacion Girl. Sila yaong mga inuuna ang pagsasaya at pagyayabang bilang balikbayan kasukdulang labagin ang health protocols na ipinag uutos ng pamahalaan para sa kaligtasan ng nakaarami.

Sa kabila ng mas pinabigat na hamon, hindi natitinag ang mga health frontliners. Para sa kanila  “and’yan na ‘yan at hindi na maibabalik ang nakaraan.” Ang nagdudumilat na katotohanan ngayon ay maaaring si Omicron ay nasa ating tabi na at padapo-dapo na ngayon sa sirkulo ng ating mga kababayan – ito ngayon ang tinututukan.

Bukod sa mabilisang contact tracing at mass testing, isolation at home quarantine at desiminasyon ay lalong pinagbuti ng ating mga health frontliners ang mga mass vaccination programs laban sa Covid-19 sa paniniwalang mas mabilis malalampasan ng bakuna ang pagdurusang idudulot ng panibagong surge ng virus.

May pangamba man ang bawat isa dahil sa pangyayaring ito ay hindi dapat maging malaking hadlang upang makapagpatuloy ang ating Bagong Normal na Pamumuhay. Halos dalawang taon na nating kapiling si Covid-19 subalt ligtas pa rin ang mayoryang mamamayan at ito ay dahil sa positibong kaisipan at paninindigan ng ating mga health frontliners.

Samahan natin ng mataimtim na dasal ang ating mga pagkilos, pagsasakripisyo at pakikipaglaban sa Covid-19.

The revised Oratio Imperata for Protection Against the Covid-19 Virus (CBCP, The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines)

Merciful and compassionate Father, we come to you in our need to seek your protection against the COVID 19 virus that has disturbed and even claimed lives.

We ask you now to look upon us with love and by your healing hand, dispel the fear of sickness and death, restore our hope, and strengthen our faith.

We pray that you guide the people tasked to find cures for this disease and to stem its transmission.

We thank you for the vaccines developed made possible by your guiding hands.

Bless our efforts to use these vaccines to end the pandemic in our country.

We pray for our health workers that they may minister to the sick with competence and compassion.

Grant them health in mind and body, strength in their commitment, protection from the disease.

We pray for those afflicted. May they be restored to health. Protect those who care for them. Grant eternal rest to those who have died.

Give us the grace in these trying times to work for the good of all and to help those in need. May our concern and compassion for each other see us through this crisis

and lead us to conversion and holiness.

Grant all these through our Lord Jesus Christ your Son who lives and reigns with you, in the unity of the Holy Spirit, God forever and ever. Amen.

We fly to Your protection, O Holy Mother of God. Do not despise our petition in our necessities, but deliver us always from all dangers, O glorious and blessed Virgin. Amen.

Our Lady, health of the sick, pray for us.

St. Joseph, pray for us.

St. Raphael the Archangel, pray for us.

San Roque, pray for us.

San Lorenzo Ruiz, pray for us.

San Pedro Calungsod, pray for us.

Party sa Poblacion. Photo credits: PhilNews
Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.