San Pablo City, Laguna. Inaresto ng San Pablo City SWAT Team at Intel Operatives kahapon ang dalawang suspek sa serye ng pagnanakaw sa Laguna at Quezon.
Nauna dito, isang report ang natanggap ng San Pablo City Police Station (CPS) na may dalawang armadong lalaki sa loob ng Walk-in Love Bar sa Brgy. 2F sa nabanggit na lungsod. Kasunod nito ay inaresto at kinilala sila ni San Pablo CPS chief Police Colonel Joewie B. Lucas na sina John Reny Gines Jose, 22 anyos na residente ng 003 Saint John, Parola, St., Cainta Rizal at Marvin Atienza Marasigan, 27 anyos na residente ng Sumulong Extension St., Bagumbayan, Angono Rizal.
Nakuha sa mga suspek ang mga ebidensya ng pagnanakaw na kanilang isinagawa. Nasamsam din sa kanila ang mga baril at bala, hinihinalang shabu at pera.
Kasalukuyang nasa pagangala ng San Pablo CPS ang mga suspek ay nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 na kilala bilang ‘Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act’, Paglabag sa Republic Act 8294 na kilala bilang ‘Amending Law para sa PD 1866 Republic Act 9165 na kilala bilang ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act.
“I would like to congratulate our police for their fast action on resolving a series of criminal acts and also would like to thank their victims for cooperating with our police. These series of event manifest that our communities trust their police hence they did not hesitate to report crimes and give significant information. Malasakit towards others coming from both the police and the community will surely bring us to greater heights in the maintenance of peace and order,” ayon kay Acting Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, Jr.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.