MAYNILA. Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) ang namataan malapit sa Luna, La Union noong umaga ng Pebrero 3.
Ayon kay PCG spokesperson para sa West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, agad na ipinag-utos ni PCG chief Admiral Ronnie Gil Gavan ang deployment ng BRP Cabra at Bagacay upang imonitor ang mga naturang Chinese vessels.
“Ngayong umaga, these two PCG vessels reported that they are still currently monitoring and challenging the presence of these two CCG vessels at an approximate distance of 70 to 75 nautical miles off Luna, La Union Province,” pahayag ni Tarriela.
Ang mga barko ng China na may bow number na 3301 at 3304 ay unang nakita noong Linggo, may 34 nautical miles o 63 kilometro mula sa baybayin ng Bolinao, Pangasinan.
Ayon pa kay Tarriela, ito na ang pinakamalapit na paglapit ng mga barko ng CCG sa isla ng Pilipinas. “Yes, that was the closest that masasabi natin. But again, the difference of these two CCG vessels with that of the CCG monster ship, itong pagdikit niya ng 34 nautical miles yesterday ay continuous. Kumbaga na-detect natin siyang lumapit ng gano’n, but it never stayed there for a long time,” dagdag niya.
Patuloy na minomonitor ng PCG ang sitwasyon sa West Philippine Sea upang tiyakin ang seguridad ng teritoryo ng Pilipinas.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo