Dalawang big time drug pusher, arestado sa P6-M halaga ng Marijuana sa Cavite

0
213

GMA, Cavite. Nalambat ang dalawang notoryus na “marijuana courier” sa isang operasyon na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) at GMA – Cavite Police Office, sa Barangay Maderan, General Mariano Alvarez, Cavite, noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina John Ruwell Soriano alyas”John,” at Mark Anthon Villarin alyas “Utoy,” parehong naninirahan sa nasabing lugar. Sa isinagawang pag-aresto, nasamsam ang mahigit 5000 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na may street value na P600,000.

Batay sa ulat ng pulisya, isinagawa ang buy-bust operation sa nabanggit na lugar noong Miyerkules ng gabi matapos magpanggap na bibili ang isang pulis upang mahuli ang mga suspek.

Pagkatapos na maipasa ang buy-bust money sa dalawang suspek, agad silang inaresto at nakuha sa kanila ang marijuana na nakalagay sa apat na plastic sachet.

Ayon sa pahayag ng PDEA-Calabarzon information office, sina Mallari at Soriano ay kabilang sa listahan ng mga big time drug pusher na namamayagpag sa buong Calabarzon, ayon sa ulat ng PNP Region 4A Intelligence Unit.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.