Dalawang drug pusher, huli sa P1.7 milyong halaga ng shabu

0
287

LUCENA CITY, Quezon. Nalambat ng mga awtoridad ang dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga na kapwa kinilala bilang mga High Value Individual (HVI) matapos mahuli na may dalang P1.7 milyong halaga ng suspected shabu sa Purok Pinagbuklod, Barangay Ilayang Iyam sa lungsod na ito, kahapon ng gabi.

Itinuturing na mga suspek sina Mark Anthony Garcia, na kilala rin bilang Alyas Macho, 43, at John Jerome Alamo, na kilala bilang Alyas Jugs, 29, parehong naninirahan sa Barangay Ibabang Dupay, ayon sa ulat ni PLt.Col. Ruben Ballera Jr., ang hepe ng pulisya sa lugar.

Nahuli sila ng mga tauhan ng Lucena City PNP Drug Enforcement Unit na pinangunahan ni PCapt. Benito Nevera, kasama ang PDEA4A Quezon, PIU/QPDEU, Quezon Maritime Police Station, CIDG Quezon, at Quezon PIT, bandang alas-9:00 ng gabi.

Sa mga suspek ay nakumpiska ang isang sachet at dalawang bag ng shabu na may timbang na 85.36 gramo at nagkakahalaga ng P1,741,344.00.

Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.