Dalawang Pilipino, nasawi sa Houthi missile attack sa Yemen

0
200

Dalawang Pilipinong seafarers ang nasawi habang sakay ng isang merchant ship na naglalayag sa Red Sea at sa Gulf of Aden matapos itong bombahin ng missile ng rebeldeng grupo na Houthi, ayon sa pahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes.

Ayon sa ulat ng DMW, dalawang Pilipino pa ang sugatan sa nasabing insidente sa barko.

Ayon sa US Central Command (CENTCOM), ang pagsalakay ng Houthis ay nagresulta sa pagkamatay ng tatlong seafarers na sakay ng Greek-owned, Barbados-flagged na barkong True Confidence noong Miyerkules.

Ayon sa mga operator ng barkong True Confidence na pag aari ng isang Griyego, nasunog ang nasabing sasakyang pandagat. Sa nasabing barko, may 20 tripulante at tatlong armadong bantay, na kinabibilangan ng 15 Pilipino, apat na Vietnamese, dalawang Sri Lankans, at mga Indian at Nepali nationals.

Author profile
 | Website

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.