Dalawang bangkay na may mga bakas ng salvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Rizal, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Unang natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa bakanteng lote sa Golden Leaf Subdivision, Barangay San Isidro, Rodriquez, Rizal, pasado alas-8:00 ng umaga. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima, ngunit may hinala sila na maaaring pinatay ito sa ibang lugar at doon lamang tinapon upang mailigaw ang imbestigasyon.
Ang ikalawang bangkay, na kinilalang si alyas Michael, ay natagpuan sa kahabaan ng Road 31 kanto ng Road 27, Cogeo Village, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City, dakong alas-5:50 ng umaga. Isang tricycle driver ang nakakita sa bangkay habang pauwi. Kasama dito ang isang basyo ng kalibre 9mm baril na matagpuan 2 metro ang layo mula sa pinagtagpuan ng bangkay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo sa likod ng mga krimen at ang pagkakakilanlan ng mga posibleng suspek. Nanawagan naman ang lokal na kapulisan sa mga residente na may impormasyon hinggil sa insidente na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan upang mapabilis ang paglutas ng kaso.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.