Dalawang tao ang tinaguriang persons of interest sa pagpatay sa isang babae at dalawang anak nito sa Romblon

0
539

San Jose, Romblon.  Dalawang lalaki kabilang ang isang pinsan ang itinuturing na persons of interest sa pagpatay sa isang babae at sa dalawang nitong anak na natagpuang bangkay sa loob ng kanilang bahay sa bayang ito, noong Miyerkules, ayon kay Romblon Provincial Police Director Col. Raynold A. Rosero.

Isa sa mga kaanak ng biktimang si Wielyn Mendoza at isang trabahador ang inimbitahan para sa pagtatanong ng nilikhang Special Investigation Team sa suporta ng Criminal Investigation and Detection Group4B.

Sinabi ni Rosero na ang crime of passion, pagtatangkang panggagahasa, at mga usapin sa pamilya ay kabilang sa mga tinitingnang motibo ng pagpatay.

“These two men are considered as the suspects, however, we treated them as persons of interest, because we are still in the course of investigation. They are allowed to  return to their home, but, they were advised not leave and to go somewhere, if they are needed for further questioning, they are available anytime” ayon kay Rosero.

May indikasyon na sinubukang manlaban ng biktima sa mga umatake sa kanya noong tangkaing halayin siya ng mga suspek, ayon kay Rosero.

Bukod dito, lumabas sa post mortem examination ng San Jose District Hospital na si Wielyn, isa sa mga biktima, ay nagtamo ng pitong saksak habang bawat isa sa kanyang dalawang anak ay may apat na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang bangkay nina Mendoza, kanyang dalawang anak na sina TJ,9, at JB, 7 na nagtamo ng mga saksak ay nadiskubre ng kanilang mga kaanak sa Sitio Upper Hinulugan sa Barangay Poblacion, San Jose, Romblon.

Ang kapatid ni Mendoza na sina Wilbert at Charlie Seraspi ay nagsumbong sa pulisya bandang alas-9 ng umaga noong Miyerkules.

Dumalo umano ang mga biktima sa isang birthday party sa bahay ng kanilang mga kapitbahay noong Martes ng gabi.

Sinabi ni Wilbert sa pulisya na natagpuan ang mga bangkay nang makita niyang bukas ang pinto ng bahay ng mga biktima nang tingnan niya kung bakit walang sumasagot nang tawagan niya ang mga ito.

“I direct San Jose police to conduct thorough investigation in order to identify and arrest the suspect/s for this heinous crime. We will never cease until the suspects of this crime are placed behind bars”, Brig. Gen. Sidney Hernia, Mimaropa Regional Director, ayon pa rin sa report ni Rosero.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.