Dapat seryosohin ang Omicron, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez

0
263

Hindi dapat maliitin ng publikong Pilipino ang COVID-19 variant na Omicron, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez noong Martes. Idinedetalye niya ang mga hakbang ng gobyerno upang palakasin ang mga paghahanda para sa bago, at mabilis na kumakalat na variant ng coronavirus.

Sa pag-uulat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa lingguhang pampublikong talumpati ng punong ehekutibo sa mga interbensyon ng gobyerno sa COVID-19 sa Davao City, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang pangunahing mensahe ay “huwag maliitin si Omicron.”

“So ang message is one, preparation is very key. So we have to revisit ‘yung national government and LGU playbook. Nakita natin na-defeat po natin ang Delta. Kailangan tingnan natin kung ano ‘yung nagawa natin na maganda para at least mapaghandaan po natin ang Omicron,” ayon kay Galvez, na siya ring chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.

Binanggit nya ang panukala sa pagpapanatili ng mahigpit na border control. Ang kasalukuyang kapasidad ng bansa, ayon kay Galvez ay dapat ding suriing muli, ipinunto niya, ang pagdaragdag ng mga frontliners at ang support system ay dapat na pakilusin at muling buuin.

Dapat din aniyang paigtingin ang mga mandato sa masking, mass testing, contact tracing, at paghihiwalay ng mga pinaghihinalaang carrier. Ang mga hakbang na ito ay dapat aniyang gawin kasabay ng malawakang pagbabakuna.

“And then to mitigate and manage risks, we will still use ‘yung manage, ‘yung hammer and dance strategy. Pero ang gagawin natin po ngayon sa hammer more on granular lockdown. Maganda po ‘yung nagawa po ng DILG at saka ng NCR na granular lockdown by house-to-house, at saka po block-to-block, at saka po by streets, at barangay lang po ang nilo-lockdown,” dagdag pa ni Galvez.

Sa pagharap sa bago at mas nakakahawang variant, kailangan ay magkaroon ng balanse sa pagitan ng kalusugan, ekonomiya, at panlipunang kagalingan ng mga tao at ang pagpapatupad ng minimum health standard. Kasabay nito, dapat ipagpatuloy ng bansa ang pagbangon ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapanatili ng disiplina sa lugar ng trabaho sa pamamagitan ng tinatawag na 3Cs: confined space, close contact at crowding ayon sa vaccine czar.

“At pagkatapos ay pagbubutihin natin ang bentilasyon at ang epektibong kontrol at regulasyon ng mga resolusyon ng IATF (Inter-Agency Task Force). At poprotektahan natin ang economic frontliners at mga kliyente,” ang pagtatapos ni Galvez.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.