DAR development course upang maging entrepreneurs ang mga magsasaka

0
182

Magpapasa ng kanilang kaalaman Ang mga new graduates ng agro-enterprise development (AED) integrated learning session ng Department of Agrarian Reform sa mga small-time farmers, agrarian reform beneficiaries (ARBs) at agrarian reform beneficiaries organizations at tutulungan silang makisali sa marketing agreements.

Ang 118 certified agro-enterprise facilitators mula sa DAR, mga kinatawan mula sa mga local government units, at mga organisasyon ng ARB ay nagtapos ng kursong tumatalakay sa  relevance, effectiveness at initial impact ng  AED projects kapag isinama sa isang microfinance approach.

“The agro-enterprise facilitators are instrumental in the economic empowerment of the farmers and in facilitating the launching of agro-enterprise projects in the countryside,” ayon kay Undersecretary for DAR Support Services Office Milagros Isabel Cristobal sa isang news release noong Biyernes.

Sa pagtulong sa mga magsasaka, ilalapat ng mga bagong facilitator ang programang Linking Smallholder Farmers to Market with Microfinance (LinkSFarMM), na naglalayong gawing mga negosyante o may-ari ng negosyo ang mga walang lupang magsasaka na kumikita hindi lamang sa pagbubungkal ng lupa kundi maging sa pagbuo ng kanilang mga produkto, hindi lamang pagbebenta ng mga ito bilang mga raw materials.

Ayon kay Ronald Gareza, Direktor ng Bureau of Agrarian Reform Beneficiaries Development, ang mga nakaraang kursong AED ay nagresulta sa 32 project sites.

“Now, you are part of the DAR-certified agro-enterprise facilitators who are expected to encourage more ARBs to join clusters to increase their production and engage in marketing agreements with institutional markets,” ayon kay Cristobal sa mga bagong facilitators sa kamakailang online recognition program. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.