DAR: Huwag mag-panic. May sapat tayong pagkain!

0
475

Umaapela si Agriculture Secretary William Dar sa mga consumer na iwasan ang panic-buying at na tinitiyak na may sapat na suplay ng pagkain ang bansa sa gitna ng nagpapatupad ang gobyerno ng mas mahigpit na paggalaw, partikular sa mga lugar na “Alert Level 3″ para maiwasan at mabawasan ang mga impeksyon sa Covid-19.

“Buying more food than what we require deprives others, thus causing an artificial shortage and price spikes. “Buying more food than what we require deprives others, thus causing an artificial shortage and price spikes,” ayon kay Secretary Dar kahapon.

Simula Enero 8, 2022, maganda ang supply ng bigas para sa bansa sa susunod na 115 araw, sapat na hanggang sa susunod na panahon ng ani sa Abril, ayon sa Philippine Integrated Rice Program ng Department of Agriculture (DA).

Ganon din ayon sa kanya sa lowland at highland na mga gulay, na nasa 85 porsiyento at 107 porsiyento sufficiency level, dagdag pa ng agri chief.

Umapela din siya sa mga local government units na tiyaking walang hadlang at tuluy-tuloy ang pagdaloy ng pagkain at agricultural inputs papunta at mula sa mga production at consumption areas, partikular ang mga naapektuhan ng bagyong Odette.

Binigyang-diin niya na hindi dapat magkaroon ng anumang hindi kinakailangang paghihigpit sa paggalaw ng mga kalakal, serbisyo at tao.

“We will see to it that food supply lines are kept open, in partnership with the LGUs, and ensure continuous delivery of major food items and temper prices. We already went through similar situations during previous community lockdowns and we were able to make it through with everybody’s cooperation. Thus, we reiterate anew that we should not be overzealous, but simply adhere to the required health and medical protocols. Once again, let us remain calm, conscientious and understanding,” ang kanyang pagtatapos.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo