Dating alkalde, 2 iba pa ang patay sa pamamaril sa Ateneo de Manila

0
414

Tatlong tao ang namatay, kabilang ang isang dating alkalde ng Basilan, sa isang pag-atake sa Areté, Loyola Heights campus sa Quezon City na tinitingnan ng isang opisyal ng pulisya na isang maliwanag na assassination.

Batay sa inisyal na ulat mula sa National Capital Regional Police Office, ang mga biktima ay kinilalang sina dating Lamitan City Mayor Rosita Furigay, ang kanyang aide na si Victor George Capistrano at isang security guard ng unibersidad.

Dadalo sana ang dating alkalde sa graduation ng kanyang anak na si Hanna Rose mula sa law school.

Matapos ang isang car chase, nadakip ng pulisya ang suspek na isang doktor na kinilalang si Chao Tiao Yumol, 38 anyos na residente ng Lamitan City. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang caliber .45 pistol na may silencer.

Kinansela ang graduation ng Ateneo College of Law.

Ang anak na babae ni Furigay, na dadalo sana sa graduation, ay nasugatan din sa pag-atake at dinala sa isang ospital, ayon sa ulat ng pulisya.

Nagpaputok ang suspek kahapon sa Ateneo de Manila University sa Quezon City habang nagtitipon ang mga law students at kanilang mga pamilya para sa isang graduation ceremony.

Nagalit umano ang suspek kay Furigay dahil sa pagpayag niya sa paglaganap ng iligal na droga sa Lamitan, ayon sa update mula sa NCRPO.

Ang Filipino League of Advocates for Good Governance-Maharlika (FLAG-Maharlika), na dating nakasalamuha ng suspek, ay nagpahayag ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima.

“It is sad and sudden that we learned the suspected shooter, Dr. Chao-Tiao Yumol, a known humanitarian doctor in his community and whistle-blower in the drug trade in his hometown, approached our organization to help expose the alleged drug trade and corruption in Lamitan City,” ayon kay Aio Bautista, FLAG-Maharlika, lead convenor, sa isang  statement.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.