Dating COP ng Sta. Rosa City, natagpuang patay sa loob ng kanyang kwarto

0
1192

Pateros, Rizal. Natagpuang patay sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang isang opisyal na pulis sa loob ng kanyang kwarto sa M. Almeda St., Barangay Sto. Rosario Silangan sa bayang ito.

Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office, ang biktima ay kinilalang si PLTCOL Eugene Orate y Junsay, 46 anyos na miyembro ng PNP at kasalukuyang nakatalaga sa PNP SAF at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa paunang imbestigasyon, bago naganap ang insidente ay nakarinig ng dalawang putok ng baril ang housemaid ng pamilya Orate at kasunod nito ay nakita ang biktima na nakabulagta sa sahig sa loob ng kanyang kwarto at may mga tama ng bala.

Isinugod si Orate sa ACE Medical Center sa Pateros ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Vadaserri Christopher Sheldon.

Kasalukuyang nagsasagawa ng technical aspect of investigationang SPD SOCO sa pangunguna ni PMAJ Antonieta C. Abillonar. Ang mga service firearms ng biktima ay dadalhin sa crime laboratory para sa ballistics examination, gayundin ay hiniling sa mga miyembro ng pamilya ng biktima na sumailalim sila sa paraffin test. Isasailalim din sa nabanggit na test ang bangkay ni Orate.

Si Orate ay naging chief of police ng Sta. Rosa City, Laguna.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.