Dating COP sa Laguna natagpuang patay sa condo

0
367

Biñan City, Laguna. Natagpuang patay ang dating chief of police ng San Pedro City, Laguna sa kanyang tinutuluyang condominium unit sa Biñan City kaninang umaga.

Kinilala ng Biñan City Police Station ang biktima na si dating Police Lt. Col. Ben Isidore Aclan. Ayon sa mga unang imbestigasyon, narinig ng personal security niyang si Police Cpl. Japer Aaron Mercado ang tunog ng putok ng baril mula sa kwarto ng kanyang amo sa Holland Park Condominium, bandang alas-8:30 ng umaga.

Agad na rumesponde si PCpl. Mercado at nang makarating siya sa kuwarto ni Aclan, natagpuan niya itong nakahandusay na.

May dalawang bersyon ng pangyayari na kumakalat sa lungsod at patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad. Una, sinasabing may matinding pressure ang dating hepe kaugnay ng personal na mga isyu, tulad ng “illicit affair” sa isang pulitikong babae habang nasa Korea ang kanyang tunay na asawa, na maaaring naging dahilan ng posibleng “suicide.”

Ang ikalawang bersyon ay ang ulat ng pulisya na posibleng “accidental firing” ang naganap sa loob ng kanyang condo unit.

Patuloy ang pagsisiyasat upang alamin ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng dating hepe ng pulisya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.