Dating Deputy Chief ng Cainta MPS, kusang sumuko hinggil Santillan murder case

0
715

Cainta, Rizal. Boluntaryong sumuko kahapon si dating Cainta Municipal Police Station Deputy Chief of Police PCAPT Sandro A. Ortega hinggil sa pagkakasangkot sa kaso ng Santillan murder.

Nauna rito, noong Pebrero 25, 2022, alas-5:00 ng hapon, dalawa pang dating miyembro ng PNP na sina PCMS Edgar Opanda Awa-ao, dating Imbestigador, at PCpl Jonel Villas Adin, dating miyembro ng SWAT at parehong dating miyembro ng Cainta MPS, ang boluntaryong sumuko sa ang nasabing Istasyon.

Dagdag pa ito sa naunang naiulat na boluntaryong pagsuko sa PRO5 sa Camp BGen Ola, Legaspi Albay ng sampung (10) dating pulis na sangkot sa kaso ni Santillan. Kinilala ang mga ito na sina PSSg Julius Villadarez, PSSg Richard Raagas, PCpl Arthur Gerard Ignacio, Pat Napoleon Relox, Pat Jordan Antonio, Pat Marvin Santos, at Pat Terry Anthony Alcantara, pawang mga dating miyembro ng Rizal PPO; PCpl Merwin Macam, PCpl Diogenes Barrameda Jr., at Pat Efren Areola, pawang mga miyembro ng Highway Patrol Group ng Police Regional Office 4A.

Tiniyak ni Regional Director Yarra sa publiko na lahat ng sumuko ay dapat tratuhin nang patas at bibigyan ng pantay na pagkakataon na linisin ang kanilang mga pangalan at patunayan ang kanilang pagka inosente sa kasong isinampa laban sa kanila.

“The surrender of the former police officers is proof of their willingness to participate in the investigation and a manifestation of trust and confidence to the authority, to the organization, and our justice system. Hence, I therefore once again call on the other wanted persons to show their faces and be brave enough to take whatever consequences awaiting them for I believe that truth shall always prevail”, ayon kay Yarra.

Habang isinusulat ang balitang ito, 13 dating pulis na ang boluntaryong sumuko sa PNP habang ang 7 pang wanted person ang nanatiling at large.

Ang usapin ay may kinalaman sa kaso ng ambush at pagpatay sa aide ni dating Biliran representative at senatorial candidate Glenn Chong na si Richard Red Santillan noong Disyembre 9, 2021 sa Cainta, Rizal.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.