Dating Japan Prime Minister Shinzo Abe, namatay na

0
432

Namatay na si dating Japan Prime Minister Shinzo Abe – isa sa mga pinuno sa kasaysayan ng postwar ng Japan matapos barilin habang nagtatalumpati sa lungsod ng Nara.

Siya ay 67 taong gulang.

Nauna dito, sinabi ni Prime Minister Fumio Kishida si Abe ay nasa isang “malubhang kondisyon.”

Walang malay si Abe nang isugod sa ospital at duguan ang dibdib.

Inaresto ng pulisya ang lalaking pinaghihinalaang umatake kay Abe, na nagsasalita sa harap ng Yamato Saidaiji Station nang maganap ang insidente bandang 11:30 ng umaga kanina.

Dalawang putok ng baril ang narinig. Ang Japan ay kilala sa pagkakaroon ng isa sa mga mahigpit na batas sa pagkontrol ng baril sa mundo.

Nagtamo si Abe ng pinsala sa kanang bahagi ng kanyang leeg dahil sa isang putok ng baril at may internal bleeding sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib, ayon sa Fire and Disaster Management Agency. Ang dating punong ministro ay dinala ng isang medical helicopter sa Nara Medical University Hospital sa lungsod ng Kashihara, timog ng gitnang Nara, ayon sa NHK.

Inaresto ang lalaki sa kasong frustrated murder at kinumpiska ang baril, ayon sa broadcaster. Kinilala ng pulisya ang lalaki na si Tetsuya Yamagami, isang 41 taong gulang na residente ng lungsod ng Nara.

Sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na ang suspek ay naging opisyal ng Maritime Self-Defense Force sa loob ng tatlong taon hanggang noong 2005.

Sinabi ni Yamagami sa mga imbestigador na “may mga hinaing” siya sa dating punong ministro at talagang gusto niya itong patayin.

Ang baril na ginamit sa pag-atake ay hand-made.

Ang mga tao sa Japan ay nagpahayag ng pagkagulat sa naganap na pamamaril na isang pabihirang pangyayari sa Japan.

Ang dating punong ministro ay isang political blue blood. Ang kanyang lolo ay si dating Prime Minister Nobusuke Kishi at ang kanyang ama ay dating Foreign Minister Shintaro Abe.

Inaresto ang lalaki sa kasong frustrated murder at kinumpiska ang baril, ayon sa broadcaster. Kinilala ng pulisya ang lalaki na si Tetsuya Yamagami, isang 41 taong gulang na residente ng lungsod ng Nara. l Japan Times
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.