Dating vice mayor sa Quezon patay sa ambush

0
445

San Pablo City, Laguna. Patay si dating Dolores, Quezon Vice Mayor Danilo Amat matapos itong pagbabarilin sa Medex Subdivsion, Brgy. San Francisco Calihan, lungsod na ito, bandang alas-sais ng kagabi.

Ayon sa report ng San Pablo City Police Station, binabagtas ni Amat ang 7 Street ng pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala sa katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.  

Dinala sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pagkikilanlan sa mga suspek.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.