Ginunita ng Philippine National Police (PNP) kahapon ang magiting na sakripisyo ng nasawing 44 na PNP-SAF commando, na namatay pitong taon na ang nakararaan sa anti-terrorism operation na tinawag na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao, isa sa mga hindi malilimutan at malagim na insidente sa kasaysayan ng serbisyo ng pulisya.
Ang pagdiriwang ng pambansang araw ng pag-alala ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 164, na inilabas ni Pangulong Rodrigo R Duterte, na nagdedeklara sa Enero 25 ng bawat taon bilang isang araw ng National Remembrance bilang parangal sa bayaning pagkamatay ng 44 na PNP-SAF elite troopers . Sa proklamasyong ito, pinararangalan ng bansa ang alaala ng kanilang marangal na mga gawa at kagitingan na magsisilbing paalala sa patuloy na sakripisyo ng magigiting na pulis.
Ngayong taon, bilang pagpupugay sa katapangan ng SAF 44 para sa ating bansa, isang National Day of Remembrance ang idinaos sa Special Action Force Headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Ang aktibidad ng paggunita ay dinaluhan ni Secretary of Justice Menardo I Guevarra bilang panauhing pandangal at Speaker, at ng matataas na opisyal ng PNP sa pangunguna ng Hepe ng PNP, Police General Dionardo B Carlos at mga pamilya ng SAF 44.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.