DBCC, hinimok na magpulong at irekomenda ang pagsuspinde ng buwis sa gasolina

0
454

Hinimok ni Deputy Speaker Bernadette Herrera kahapon ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) na magpulong sa mga susunod na araw upang mapagtibay nila ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagsususpinde ng excise tax sa langis sa gitna ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sinabi ni Herrera na ang suspensyon ang tanging aksyon na pinahintulutan ng DBCC na ipatupad sa ilalim ng Section 43 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ngunit hindi lamang ito ang kanilang opsyon.

Sinabi rin niya na ang DBCCC ay maaaring magtakda ng mga parameter at sukatan sa pagpapatupad ng suspensyon ng buwis sa gasolina, at idinagdag na hindi nililimitahan ng Seksyon 43 kung gaano katagal maaaring magkabisa ang suspensyon.

“Suspending the excise tax on imported crude and fuel is the call of the Development Budget Coordinating Committee. This is their mandate under the last part of Section 43 of Republic Act 10963, also known as the TRAIN Law,” ayon sa kanya.

Binanggit din niya ang Section 82 ng TRAIN law dahil naglalaman ito ng iba’t ibang hakbang sa pagtugon sa mataas na presyo ng gasolina.

“Ang mga fuel voucher, na mas kilala sa tawag na Pantawid Pasada, ay isa lamang sa ilang mga solusyon na naka-target na makapagbigay ng pansamantalang tulong sa mga mahihirap,” aniya.

Iminungkahi niya na ang diskwento sa pamasahe na 10 porsiyento, 10 porsiyentong diskwento sa bigas ng National Food Authority (NFA), at iba pang benepisyong panlipunan ay maaaring pagbutihin at ipatupad ng pambansang pamahalaan.

Sinabi ni Herrera na ang pondo para sa mga ito ay magmumula sa incremental revenues mula sa TRAIN law sa unang limang taon ng bisa nito.

“The first year of it was 2018. It is now 2022, the fifth year of TRAIN,” dagdag pa niya.

Nauna dito, sinabi ng Malacañang na ang panukalang fuel tax suspension ay nangangailangan ng rekomendasyon ng DBCC at ng Department of Finance.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo