Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.768 na trilyong piso na National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2024.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang NEP para sa 2024 ay 9.5% na mas mataas kumpara sa P5.268 trilyon na budget ngayong taon. Ito rin ay katumbas ng 21.8% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang NEP para sa 2024 ay binuo kasama ang Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 at ang 8-point socioeconomic agenda.
“It shall continue to reflect our commitment to pursue economic and social transformation to address the scarring effects of the pandemic, as well as the impact of inflation, by prioritizing shovel-ready investments in infrastructure projects, investments in human capital development, and sustainable agriculture and food security, among others,” ayon kay Pangandaman sa isang pahayag.
Sinabi rin niya na ang NEP ay bunga ng iba’t ibang mga salik, kabilang ang budget utilization rate ng mga ahensya at ang pagkakasunod-sunod ng kanilang mga programa, aktibidad, at proyekto.
We also referred to the agencies’ respective absorptive capacity, as we considered that a low budget utilization rate may reflect the agency’s limited capacity to utilize additional funds,”dagdag pa ng Kalihim.
Inihayag pa niya na isusumite ang NEP sa Kongreso ilang linggo matapos ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo 24.
Ayon sa DBM, ang NEP ay magiging spending plan ng pamahalaan taun-taon at ito ay pag-uusapan sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Kapag naaprubahan na, ang programa ay pipirmahan upang maging ganap na batas at kilalanin bilang General Appropriations Act.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo