De Lima, pinayagan nang magpiyansa!

0
160

Matapos ang halos pitong taon na pagkakakulong, binigyan ng pahintulot ng Muntinlupa City RTC si dating Senador Leila de Lima na magpiyansa.

Sa isang open hearing, ipinaalam ng Muntinlupa RTC Branch 206 na ang Criminal Case No. 17-167, ang kanyang huling kaso na kinakaharap, kung kaya at pinayagan siyang magpiyansa sa halagang P300,000.

Ayon sa legal team ni De Lima, handang magbigay ng piyansa ang kanilang grupo at humabol sa cut-off time upang maiwasang manatili pa si De Lima sa Camp Crame ng isang gabi pa.

Itinakda ni Judge Gener Gito, ang nabanggit na hearing kahapon, Lunes, Nobyembre 13, upang pakinggan ang motion to quash na isinampa ni dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, isa sa mga akusado ni De Lima.

Binaligtad ni Gito ang isang desisyon at pinagbigyan ang kahilingan ni de Lima at apat pang mga akusado na makapagpiyansa habang nililitis sa huling kaso sa droga. Ang dalawang iba pang non-bailable na kaso hinggil sa droga laban sa kanya ay ibinasura na.

Nakabinbin din sa nasabing korte ang motion for reconsideration ng kampo ni De Lima kaugnay sa naunang desisyon ni Judge Romeo Buenaventura na nagbasura sa kanilang kahilingan na pansamantalang makalaya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo