Debut ng 5G technology ng AT&T at Verizon, naantala dahil sa babala ng sakuna sa air travel

0
590

Inanunsyo ng wireless telecom na AT&T at Verizon na maaantala ang pag-activate nila ng mga 5G tower na malapit sa ilang airport sa US pagkatapos ng babala ng mga airline tungkol sa posibleng “catastrophic disruption” ng mga flight dahil dito.

Isang araw bago nagtakda ang AT&T na i-on ang mga 5G tower nito, binatikos ng nabanggit na kumpanya ang Federal Aviation Administration matapos tanungin ng mga CEO ng airline ang Biden administration at nagbabala na ang paglulunsad ng 5-G towers ay maaaring magdulot ng libu-libong mga pagkansela ng flight na makakaapekto sa mahigit na 100,000 mga pasahero.

“We are frustrated by the FAA’s inability to do what nearly 40 countries have done, which is to safely deploy 5G technology without disrupting aviation services, and we urge it do so in a timely manner, ayon sa mga opisyal ng AT&T kahapon.

Sinabi naman ng Verizon na ang 5G technologynito ay naglalayong pataasin ang bilis, reliability at power  para sa higit sa 90 milyong Amerikano, ay nakaplanong ilusad sa Miyerkules ng may pansamantalang limitasyon sa paligid ng mga paliparan.

Ang high-speed 5G internet ay gumagamit ng tinatawag na C-band frequency na malapit sa mga ginagamit ng sasakyang panghimpapawid para sukatin ang kanilang altitude. Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA) ang potensyal na interference ay maaaring makaapekto sa mga sensitibong instrumento ng eroplano tulad ng mga altimeter at sa low visibility operations.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.