Deepfake incidents, inaasahang lalakas sa darating na eleksyon

0
160

Sinabi ng Kagawaran ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Huwebes na inaasahan nila ang mas maraming insidente ng “deepfake” sa papalapit na eleksyon.

“Well, dadami ‘yan at lalago, lalo na po ngayon with AI (artificial intelligence) and parating po ‘yung mga elections this year,” pahayag ni DICT Secretary Ivan John Uy sa Girls in ICT Day 2024.

Ipinaliwang niya na tinutukoy ang susunod na eleksyon bilang “super election” dahil sa global significance nito, na may tinatayang 80 bansa sa buong mundo ang makikibahagi sa voting season.

Noong April 23, hinikayat ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na manatiling alerto kasunod ng paglalabas ng deepfake audio kung saan tila inaatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang militar na aksyunan ang partikular na bansa.

Binanggit ng pinuno ng DICT ang paggamit ng teknolohiyang deepfake upang makapanloko at magpakalat ng maling impormasyon at disimpormasyon.

“It’s very difficult now to ascertain what’s true and what’s not because of technology,” ani Uy.

“So, we need to be more discerning, we need to be more aware that we cannot trust everything that we see online,” dagdag niya.

Samantala, binigyang-diin ni Uy ang pangangailangan ng ahensya ng mga mahahalagang kagamitan upang labanan ang tumataas na kaso ng cybercrime.

“We are all trying to do our best to address this evolving technology with the necessary tools that can hopefully be provided to us so that we can do it faster and better,” wika ng opisyal.

“So, we need budgetary support to do this because, you know, if this is a war, we need weapons,” giit pa ni Uy.

“We can’t just engage in a war without weapons, without training, without tools to combat these cyber threats, cybercriminals,” dagdag niya.

Nakikita ng DICT ang kahalagahan ng pagiging handa sa papalapit na halalan, kung saan ang integridad ng proseso at impormasyon ay mahalagang bantayan upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan sa demokratikong institusyon ng bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo