Made-delay ang dating ng bivalent COVID-19 vaccines sa PH

0
200

Inaasahang darating sa bansa ang mga bivalent vaccines napanaban sa Omicron variant ng COVID-19 sa katapusan ng Marso, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang pulong balitaan kahapon.

Nilinaw ni Vergeire na magkakaroon ng ‘slight delay’ ang pagdating ng mga bakuna sa Pilipinas dahil na rin ng na-expire na ng state of calamity noong Disyembre 31, na nagkakaloob ng immunity mula sa liability na hinihingi ng manufacturers at donors.

Sa ngayon ay inihihingi na nila ito ng guidelines sa Office of the President.

Nauna dito ay naiulat na nakakuha ang DOH ng 1,002,000 doses ng bivalent vaccines ng Pfizer mula sa COVAX facility.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo