‘Deltacron:’ Mga kaso ng bagong COVID variant na kinumpirma ng World Health Organization

0
552

Bihira pa ang kaso ng deltacron, ayon kay Dr. Maria Van Kerkhove, technical lead ng WHO forCOVID-19, na naiulat na may mga kaso sa Denmark, France at Netherlands.

Habang isinusulat ang balitang ito ay 17 na kaso nito ang natukoy sa mga pasyente.

Dahil maraming insidente ang hindi pa nakukumpirma, masyado pang maaga upang malaman kung paano naililipat ang mga impeksyon ng deltacron o kung magdudulot ito ng malubhang sakit, ayon kay Philippe Colson, isang mananaliksik na nag-publish ng isang ulat tungkol sa tatlong kaso ng deltacron sa France, sa Reuters.

Ang mga pasyente na inilarawan sa nabanggit na ulat ay nahawahan ng isang strain na pinagsasama ang spike protein mula sa isang variant ng omicron sa “katawan” ng delta variant.

Sa isang tweet noong nakaraang linggo, ipinaliwanag ni Van Kerkhove ang posibilidad ng isang delta at omicron recombinant virus ay dapat asahan dahil sa “matinding sirkulasyon” ng parehong mga variant.

Sinabi ng opisyal ng kalusugan ng WHO na mayroong “mahusay na pagsubaybay ang isinasagawa sa maraming bansa sa ngayon,” at “dahil sa dami ng mga pagbabago at mutasyon sa loob ng omicron, mas madali para sa mga mananaliksik, siyentipiko, propesyonal sa kalusugan ng publiko, mga taong nag-aaral ng genome para ma-detect ang mga recombinant na ito.”

Sinasabi ng mga eksperto na masyadong maaga para mag-alala tungkol sa deltacron.

“Ito ay maituturing lamang na isang variant lamang kung ito ay nagsasanhi na ng malaking bilang ng mga kaso,” ayon kay William Hanage, isang epidemiologist sa Harvard T.H. Chan School of Public Health. “So no, if it’s not causing lots of cases, people don’t need to be concerned.”

Walang pagbabago sa kalubhaan ang naiulat, ayon sa WHO at maraming pag aaral ang isinasagawa upang matuto nang higit pa tungkol sa nabanggit na variant.

Samantala, noong Marso 10 ay nakakita ang Cyprus ng bagong variant na “Deltacron.” Ang bagong variant, ayon sa kanila ay may katulad na genetic na background sa Delta variant, kasama ng 10 mutasyon mula sa Omicron. Dalawamput limang tao ang naapektuhan na ng variant sa Cyprus, ayon sa report.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.