Dengue surge sa Laguna, binabantayan ng DOH: 4-S strategy, hinihikayat na ipatupad

0
617

Victoria,  Laguna. Namatay dahil sa sakit na dengue ang isang nagngangalang Beth Octaviano, 42 ayos, may-asawa at residente ng Barangay Nanhaya, bayang ito

Ang biktima ay isang linggong naka admit sa Laguna Medical Center sanhi ng  matagal na lagnat at pagdurugo ng ilong at bibig. Sinikap ng mga doktor na isalba ang buhay ng pasyente subalit ang patuloy na bumaba ang platelet nito  naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Samantala, mahigpit na binabantayan ng mga opisyal ng Departmtn of Health-Calabarzon ang biglang pagtaas ng kaso ng dengue sa Laguna na ikinamatay na ng 6 biktima, ayon sa report.

Batay sa report ng ahensya tumaas ang nasabing bilang ng naturang sakit dulot ng walang tigil na pag-ulan nitong buwan kung kaya naging triple ang pagdami ng mga lamok sa mga matubig na lugar

Kaugnay nito, muling iginiit ng DOH sa publiko na maiwasan ang dengue sa pamamagitan ng pagpapatupad ng pinaghusay na 4-S strategy sa kanilang mga sambahayan tulad ng:

  • Search and destroy mosquito-breeding sites, 
  • Self-protection measures like wearing long pants and long sleeved shirts and daily use of mosquito repellent, 
  • Seek early consultation, at 
  • Support fogging/spraying only in hotspot areas where increase in cases is registered for two consecutive weeks to prevent an impending outbreak.

Ayon sa World Health Organization, walang partikular na gamot para sa dengue, ngunit ang maagang pagtuklas at pag-access sa pangangalagang medikal ay nagpapababa ng rate ng pagkamatay at ang pag-iwas ay ang susi upang labanan ang dengue.

“Hinihikayat namin ang publiko na isagawa ang 4-S strategy, lalo na ngayong mas maraming pagkakataon para sa mga lamok na gawing lugar ng pag-aanak ang mga stagnant water sa paligid,” ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.