Dentista hinahabol ng Laguna PNP sa kasong rape

0
368

Calamba City, Laguna. Hinahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang dentista matapos siyang ireklamo ng diumano ay panggagahasa ng isa nitong pasyente.

Ayon sa ulat ni Laguna Provincial Police Office Col. Cecilio Ison, nagtago ang suspek na si Dr. Elmer Sumaya, dentista at residente ng Barangay Poblacion 1, Nagcarlan, matapos ang insidente ng panggagahasa na naganap sa kanyang Dental Clinic sa 365 J. Coronado, Nagcarlan, Laguna, noong Biyernes, bandang 12:15 p.m.

Sinabi ni Ison na inihahanda na ang pagsasampa ng kasong rape laban sa suspek sa provincial prosecutor office.

Ang biktima na nakatago ang pangalan, kasama ang kanyang amo ay nagsumbong sa Nagcarlan Police Office hinggil sa nabanggit na insidente ng panggagahasa noong Lunes bandang alas-10 ng umaga.

Isinalaysay ng biktima sa mga imbestigador na siya ay ginahasa umano ng suspek sa kanyang dental clinic sa 365 J. Coronado noong Biyernes.

Sinabi niya na pumunta siya sa klinika ng suspek upang ayusin ang kanyang mga pustiso. Diumano ay nakaupo ang sa dental chair nang simulan ng dentista ang malisyosong intensyon at pwersahang siyang ginahasa.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.