MAYNILA. Muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng anumang partisan political activities o electioneering sa mga end-of-school year (EOSY) rites para sa School Year 2024-2025.
Sa isang memorandum na inilabas ni Education Secretary Sonny Angara, binigyang-diin na ang lahat ng opisyal ng DepEd, guro, at non-teaching personnel ay hindi dapat makilahok sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa politika, alinsunod sa umiiral na mga regulasyon.
Bukod dito, iginiit din ng ahensya na ang mga EOSY rites, kabilang ang graduation at moving-up ceremonies, ay dapat manatiling simple ngunit makahulugan. “Hindi dapat gawing maluho ang mga seremonyang ito. Mas mahalaga ang pagbibigay-diin sa tagumpay ng mga mag-aaral kaysa sa anumang magarbong selebrasyon,” ayon sa DepEd.
Patuloy na hinihikayat ng ahensya ang mga paaralan na sundin ang patakarang ito upang mapanatili ang dignidad ng seremonya at maiwasan ang anumang impluwensyang pampulitika sa edukasyon.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo