DepEd: Christmas party contribution, mga regalo ‘strictly voluntary’

0
444

Lahat ng Christmas party contribution o exchange gift ay dapat “strictly voluntary” para sa mga mag-aaral at guro sa mga paaralan, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sinabi ni Vice President Sara Duterte, na lumagda sa Department Order (DO) 52, na walang dapat pilitin na magbayad ng anumang gastusin kaugnay sa pagdiriwang.

“All Christmas parties, themes, costumes, decoration, and exchange gifts are voluntary. No learner or DepEd personnel should be forced to contribute, participate, or use their money for the celebration,” ayon kay Duterte, na siya ring concurrent Education secretary.

Sinabi rin ng DepEd na hindi dapat maging pabigat sa mga magulang o mga kalahok na mag-aaral ang mga Christmas party.

“Celebrations in schools and in DepEd offices, as far as practicable, should be simple yet meaningful. Christmas party themes should not result in expenses that will become a burden on parents, students, and DepEd personnel,” ayon dito.

Sinabi ng DepEd na ang mga kontribusyon, na cash o in kind, ay dapat manatiling opsyonal at hindi dapat maging batayan ng partisipasyon ng mga mag-aaral.

“No learner shall be excluded from joining the Christmas celebration by reason of their failure to give the voluntary contribution or absence of a prepared gift,” ayon dito.

Binalaan din ng DepEd ang mga guro at iba pang tauhan ng DepEd laban sa mga solicitations.

“DepEd personnel should be reminded that solicitations, whether in cash or in kind, are not allowed for Christmas parties or holiday celebrations,” dagdag pa nito. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.