DepEd I-QuaranTEACH, sinimulan sa Liliw

0
881

Liliw, Laguna. Sinimulan sa bayang ito ang I-QuaranTEACH sa pangunguna ni Liliw Department of Education (DepED) District Supervisor Wilmer Gahite.

Si Gahite, kasama ang mga guro ay bumisita sa bawat bahay ng mag aaral sa elementarya sa mga barangay ng Malabo, Kalantukan at Calumpang sa nabanggit na bayan at tinuruan ang mga bata ng pagbasa at pag unawa o reading and comprehension.

Layunin ng  I-QuaranTEACH na tulungan ang mga mag aaral na mapaunlad at mapataas ang antas ng kasanayan ng mga mag aaral partikular sa pagbasa na ayon kay Gahite ay dito nakikita ang pag unlad sa pag aaral.

Gayon din ay upang maiparamdam sa mga bata ang kalinga at pagmamamahal ng mga guro sa panahong ito ng epidemya. Layunin din nito na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga guro at mag aaral.

“Nais ko pong ipaabot sa mga mag aaral na huwag silang huwag silang tamarin at huwag mangamba sa pagpapatuloy ng kanilang pag aaral ngayon panahon ng pandemya. Sa bahagi po ng DepEd ay patuloy kaming gumagawa ng paraan kung paano matutulungan ang mga mag aaral gayon din ang mga magulang tungo sa maayos pag aaral ngayong pasukan,” ayon sa DepEd District SUpervisor.

Ang I-QuaranTEACH ay national program ng DepEd sa ilalim ng programang “Brigada Pagbasa” na inisyatibo ng SDO Laguna Project REACH at Project BUS.

Liliw DepED District Supervisor Mr.Wilmer Gahite.
Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.