DepEd: Palarong Pambansa itutuloy matapos ang 3-year stop

0
708

Magpapatuloy ang Palarong Pambansa ngayong taon matapos ang halos tatlong taong paghinto dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, ayon sa Department of Education (DepEd) kahapon.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na ang Division Schools ng Marikina ang magiging host ng sports competition.

“The Department of Education announced the conduct of the 2023 Palarong Pambansa from July 29 to Aug. 5, 2023 in Marikina City, nearly three years since the onset of the Covid-19 pandemic forced its cancellation,” ayon dito.

Samantala, sinimulan ng DepEd ang pagpupulong ng dibisyon noong Lunes, na tatakbo hanggang Biyernes.

Susundan ito ng mga regional meeting sa Abril 24 hanggang 28, sa ilalim ng DepEd Memorandum 5, series of 2023.

Sinabi ng departamento na ang mga Filipino student-athletes sa ibang bansa ay maaari ding sumali sa nationwide event.

“Aside from student-athletes from the 17 DepEd regional athletic associations, Filipino athletes enrolled in recognized schools overseas will also be allowed to compete in individual sports under the banner of Philippine Schools Overseas,” dagdag nito.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo