DepEd: Pinagbabawalang makilahok sa ‘partisan politics’ ang mga PTA

0
249

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) kahapon na ang lahat ng school-based na organisasyon, kabilang ang Parents-Teachers Associations (PTA), ay napapailalim sa kanilang mga patakaran at ipinagbabawal na makisali sa “anumang partisan political activity sa loob ng school premises.”

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na ang mga PTA ay kinakailangang “sumunod sa lahat ng umiiral na mga patakaran at implementing guidelines” na inilabas ng DepEd na nakasaad sa DepEd Order No. 54 series of 2009.

“The PTA shall serve as a support group and as a significant partner of the school whose relationship shall be defined by cooperative and open dialogue with stakeholders to promote the welfare of the students,” batay sa order.

“It said the order requires all PTA activities within school premises or which involve the school, its personnel, or students to have “prior consultation and approval of the school head. We continue to recognize and value the partnership of the community, our parents, our teachers, and our school administration in ensuring the delivery of quality basic education for all of our learners,” ayon sa DepEd.

Ang paalala ang ibinaba matapos ang isang pangyayari sa campaign rally ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Guimbal Stadium sa Iloilo City na sinasabing pribadong pagmamay-ari ng PTA ng The Guimbal National High School ay nakansela sa gitna ng mga reklamo na ito ay pampublikong pasilidad at hindi dapat magamit sa kampanya sa halalan.

Humingi na ng paliwanag ang DepEd regional office mula sa mga awtoridad ng paaralan.

Bilang sagot sa mga reklamo, sinabi ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na ang pasilidad ay pagmamay-ari ng PTA ng paaralan naayon sa kanya ay “isang pribadong entity.”

Idinagdag niya na ang kanyang asawa ang naghanda ng kaganapan, hindi ang punong-guro ng paaralan ngunit ang kampo ng Marcos ay nagpasya ng magkansela.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo