DepEd: Simula ng klase sa School Year 2023-2024, itinakda sa Agosto 29

0
1741

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ngayong Huwebes ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 29 para sa school year 2023-2024.

Samantala, malayang magpapasya ang mga pribadong paaralan kung susunod sila sa takdang petsa o kung nais nilang magsimula ng klase bago ang “hindi lalampas sa huling araw ng Agosto,” batay sa Republic Act 11480, ayon pa rin sa DepEd.

Mula noong 2021, itinakda na ng kagawaran ang pagsisimula ng mga klase sa Agosto o Setyembre, pagkatapos ng huling pagbubukas ng Oktubre noong 2020 dahil sa COVID-19.

Layunin nito na ibalik ang normal na panahon ng pag-aaral mula Marso-Hunyo hanggang Hunyo-Agosto o Hulyo-Setyembre.

Noong nakaraang academic year, nagbukas ang klase noong Agosto 22, at mayroong hindi bababa sa 28.7 milyong mag-aaral ang nag enroll, ayon sa datos ng gobyerno.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo