DepEd: Walang pasok sa Mayo 2 hanggang 13

0
809

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) kanina na suspendido ang mga klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa mula Mayo 2 hanggang 13.

Sa isang pahayag, sinabi ng departamento na pansamantalang ititigil ang mga klase sa lahat ng antas sa loob ng dalawang linggo upang bigyang-daan ang mga electoral function ng mga guro para sa darating na 2022 national polls, bilang pagsunod sa DepEd Order No. 29.

“Walang pasok ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12 sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa. Inilaan ang mga nasabing araw upang magampanan ng mga guro at kawani ng DepEd ang kanilang election-related duties,” ayon sa statement ng DepEd.

Samantala, ang mga guro na walang mga tungkulin sa elektoral ay inaasahan pa ring “mag-ulat sa mga paaralan” sa mga nasabing petsa.

Nauna dito, ibinunyag ng DepEd Election Task Force na hindi bababa sa 320,000 guro ang napabilang sa mga miyembro ng election board, kung saan bibigyan ng karagdagang allowance at mas mataas na honoraria.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo