Deportation ni Novak Djkovic iniutos ng Australian court

0
200

Nawalan ng pagkakataon ang tennis star na si Novak Djokovic na ipagtanggol ang kanyang titulo sa Australian Open matapos na panindigan ng korte ng Australia ang isang government deportation order.

Tatlong hukom ng Federal Court noong Linggo ang pumanig sa desisyon ni Immigration Minister Alex Hawke noong Biyernes na kanselahin ang visa ng 34-anyos na Serb sa mga batayan ng public interest.

Ang sensational na 11-araw na labanan hinggil sa COVID vaccination status ni Djokovic ay tumapos sa kanyang pangarap na makuha ang record ng 21st Grand Slam.

Kinansela ni Hawke ang visa sa kadahilanang ang presensya ni Djokovic sa Australia ay maaaring maging isang panganib sa kalusugan at “good order” ng publiko sa Australia at “maaaring maging counter-productive sa mga pagsisikap sa pagbabakuna ng populasyon ng nabanggit na bansa”.

Ang mga mahistrado ay nakinig sa kalahating araw ng feisty legal at nagpabalik-balik na pulong tungkol sa mga punto ng diumano ay panganib na dulot ni Djokovic.

Sinabi ni Hawke na ang paninindigan ni Djokovic ay maaaring magbigay ng inspiration sa anti-vaccine sentiments, maaaring magtulak sa ilang tao na harapin ang pandemya nang walang bakuna, at magbigay ng lakas ng loob sa mga aktibistang anti-vaxxer na magtipon sa mga protesta at rali.

Nauna dito, nagulat ang buong tennis community noong Hunyo 2020 noong kumpirmahin na ang world number one na si Novak Djokovic ay positive sa coronavirus disease.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.