Balayan, Batangas. Arestado ang deputy chief of police sa bayang ito dahil sa pangingikil ng “payola” o protection money mula sa isang operator ng “loteng” na isang illegal numbers game sa lalawigan ng Batangas.
Din akip si Police Capt. Ruben Marilag ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa ikinasang entrapment operation sa harap ng isang bangko malapit na Balayan Municipal Police Station sa Barangay 1, ayon kay IMEG Director Brig. Gen. Warren de Leon.
Sa kanyang statement, sinabi ni De Leon na isinagawa ang operasyon ng pulisya kasunod ng reklamo ng isang residente na inakusahan ni Marilag na isang loteng operator.
Gamit ang pananakot, sinasabing humihingi si Marilag sa complainant ng P2,000 na weekly payola kapalit ng proteksyon mula sa PNP para sa kanyang illegal na loteng operation.
Kaugnay nito, iginiit ng biktima kay Marilag na matagal na siyang tumigil sa illegal numbers game simula pa noong Marso 2021 matapos siyang ma-diagnosed ng stage-3 colon cancer na kasagsagan ng COVID-19 pandemic ngunit hindi umano ito pinakinggan ng opisyal.
Matapos na matanggap ni Marilag ang P2,000 marked money mula sa biktima ay agad siyang hinuli ng mga kapwa pulis.
Dinala si Marilag sa custody ng IMEG headquarters sa Camp Crame sa Quezon City habang inihahanda ang kasong robbery extortion na isasampa laban sa kanya.
“We are determined to remove misfits as they don’t have a place in the organization,” ayon kay De Leon.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.