DFA: 134 Pilipino pinayagang lumabas sa Gaza

0
178

MAYNILA. Pinayagan ng pamahalaan ng Israel ang lahat ng 134 Pilipino na makaalis sa Gaza noong Sabado, ayon sa Departmen t of Foreign Affairs (DFA),

Sa ilalim ng pangangasiwa ni Undersecretary Eduardo de Vega ng DFA, itinakda ang pag-alis ng unang batch na binubuo ng 20 Pilipino mula sa Gaza patungo sa Rafah border sa Egypt sa susunod na Linggo.

Ayon kay De Vega, wala pang tiyak na petsa ng pag-alis ang ikalawang batch na binubuo ng 30 Pilipino. Pinaalalahanan niya rin na hindi pinapayagang sumama ang mga kamag-anak na Palestino at dahil dito ay mas kakaunti na lamang ang interesado na umalis ng Gaza.

Sa kasalukuyan, may mga 43 Pilipino ang handang umalis ng Gaza, habang walo pa rin ang nananatili roon.

Nauna dito ay iniulat ni De Vega na nakalabas na ang dalawang Pilipinong doktor sa Gaza sa pamamagitan ng Rafah crossing point. Kasama sila sa 22 kawani ng pandaigdigang organisasyon ng mga doktor, ang Doctors Without Borders.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.