DFA: 2 Pinoy binitay sa China dahil sa droga

0
452

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang balita na binitay na ang dalawang Filipino sa China matapos silang mapatunayang guilty sa kasong drug trafficking.

Ayon sa DFA, isinagawa ang pagbitay noong ika-24 ng Nobyembre 2023 gamit ang lethal injection. Ang dalawang Pinoy, na hindi binanggit ang pangalan sa paggalang sa hangaring privacy ng kanilang pamilya, ay matagal nang nasa death row mula nang sila ay makulong noong 2016.

“We offer our most sincere condolences to their families and loved ones. We respect the wishes of their families for privacy, and as such are withholding the identities of the two Filipinos,”ayon sa DFA.

Iniulat din ng DFA na binigyan ng pagkakataon ang dalawang convict na makausap ang kanilang pamilya bago isinagawa ang parusa.

“The Government of the Republic of the Philippines further exhausted all measures available to appeal to the relevant authorities of the People’s Republic of China to commute their sentences to life imprisonment on humanitarian grounds. There were also high-level political representations in this regard,” dagdag pa ng DFA.

Tinukoy din ng DFA na kailangang igalang ng Pilipinas ang hatol sa dalawa at sundin ang batas at proseso ng batas ng China.

Kaugnay nito, agpaalala ang DFA sa mga Pilipinong nagbabalak maglakbay sa ibayong dagat na maging maingat sa modus operandi ng mga sindikato ng droga upang maiwasang maging drug mules.

Maaalala ang kaso ni Mary Jane Veloso, isang OFW, na nananatili sa death row sa Indonesia dahil sa conviction sa drug trafficking. Nanindigan si Veloso na ang mga bagahe na ginamit niya ay ibinigay lamang sa kanya ng kanyang mga recruiters at hindi niya alam na may droga sa loob nito.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo