Tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas ang tulong sa pagpapauwi sa mga labi ni Wilma Abulad Tezcan, isa sa dalawang Pilipinong nasawi sanhi ng dalawang malalakas na lindol sa Turkey noong Lunes.
“As requested by the daughter and with the consent of the husband, the Embassy is arranging the immediate repatriation of the body of Wilma Abulad Tezcan,” ayon sa Philippine Embassy sa Ankara kanina.
Ang mga impormasyon hinggil sa pangalawang Pilipinong namatay, sa kabilang banda, ay hindi pa ilalabas.
Nagpapatuloy ang rescue, relief at evacuation efforts sa timog-silangan ng Turkey matapos itong wasakin ng 7.8 at 7.6 magnitude na lindol na pumatay sa mahigit 20,000 katao sa ngayon.
Habang sinusulat ang balitang ito, apat pang pamilyang Pilipino ang inilikas mula sa lungsod ng Gaziantep patungo sa kabisera ng Turkey sa Ankara sa pamamagitan ng mga sprinter bus.
Ang Gaziantep ay isa sa mga lugar na matinding tinamaan, mahigit na 200 kilometro mula sa mga nakaraang operasyon ng embahada sa Antakya, Hatay.
Sinabi rin ng embahada na ilang Pilipino ang piniling manatili sa kanilang pamilya at sa kanilang mga tahanan.
Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.