DFA, kinumpirma ang pagkamatay ng isang Pinay sa Hong Kong

0
298

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon na isang Pilipino ang natagpuang patay at lumulutang sa dagat malapit sa isang pier sa Hong Kong.

Sa isang pahayag, sinabi ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza na ang Philippine Consulate General sa Hong Kong ay kasalukuyang nakikipag ugnayan na sa pamilya ng namatay. Hindi pa natutukoy ng ahensya ang sanhi ng pagkamatay, ngunit ayon sa kanila ay  nakikipag usap ang Consulate General sa mga awtoridad ng Hong Kong Police at ibabahagi nila ang lahat ng resulta sa mga kaanak ng namatay. 

Magbibigay din ang Philippine Consulate ng tulong sa repatriation ng mga labi ng biktima at kasalukuyan silang pakikipag pulong sa employer nito.

Ayon sa mga lokal na ulat, natagpuan ng isang dumaan ang bangkay na lumulutang malapit sa Tsing Yi Public Pier sa Hong Kong noong Huwebes ng umaga.

Nauna dito ay kinilala ang namatay bilang isang 51 anyos na babaeng Filipina na nakasuot ng sportswear nang matagpuan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.