DFA: Mga Pilipino sa Ukraine na naapektuhan ng krisis mahigpit na sinusubaybayan

0
488

Nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Warsaw, Poland sa FIlipino community sa Ukraine, sa pamamagitan ng Honorary Consulate General sa Kyiv, sa gitna ng tumitinding tensyon at matapos magbabala ang Estados Unidos tungkol sa posibleng pagsalakay ng Russia.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Deputy Assistant Secretary for Public and Cultural Diplomacy, Gonar Musor, na tinatayang 380 Filipino nationals ang naninirahan sa Ukraine.

Gonar Musor, said approximately 380 Filipino nationals are living in Ukraine.

“Most are in Kyiv and its environs and are therefore located far from the eastern border near Russia,” ayon sa kanyang statement kanina.

Sinabi ni Musor na sila ay “hinihikayat na makipag-ugnayan sa embahada, iulat ang anumang hindi kanais-nais na insidente na makikita nila sa kani-kanilang lugar, at patuloy na subaybayan ang kanilang mga kaibigang Pilipino sa pamamagitan ng social media.”

Ang deployment ban ay ipinataw ng Maynila mula noong 2014 noong pumutok ang political crisis sa Eastern European nation at annexed ng Russia na Crimea.

Sa mga unang linggo ng taong ito, muling tumaas ang mga tensyon kasunod ng mga ulat na ang Moscow ay nagpadala ng mahigit sa 100,000 na sundalo at mabibigat na armas malapit sa hangganan ng Ukraine na sa tingin ng US ay sapat na upang salakayin ang bansa “anumang oras.”

Dahil dito sinabihan ng Washington, DC at ilang iba pang mga bansa, tulad ng United Kingdom, Canada, South Korea, at Japan, ang kanilang mga mamamayan na lumikas kaagad sa Ukraine.

Habang isinusulat ang balitang ito ay walang inilalabas na advisory ang Pilipinas hinggil sa payo ng paglikas ng mga Filipino mula sa Ukraine.

Nakapondo ang isang daang libong sundalong Ruso sa hangganan ng Russia at Ukraine samantalang ang mga sundalo ng  Ukraine ay nasa kabilang panig ng border.
Photo credits: The National Interest
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.