DFA: Mga Pilipinong nakatawid na sa border ng Ukraine, 136 ang naghihintay ng pagpapauwi

0
446

Mahigit isang daang Filipino nationals ang nakaalis napeligro ng patuloy na digmaang Ukraine-Russia, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

Sa isang briefing ng Laging Handa, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na 63 Pilipino na ang naiuwi at higit pa ang inaasahang darating sa Marso 9 at sa mga susunod na araw.

Hindi bababa sa 136 ang naghihintay para sa kanilang pagpapauwi mula sa iba’t ibang bansa sa Europa pagkatapos tumawid sa mga border ng Ukraine.

Bago nakauwi ang unang batch ng mga repatriate ng DFA, tinatayang nasa 380 Pilipino pa ang naninirahan at nagtatrabaho sa Ukraine.

“A little over a hundred” land-based overseas Filipinos are still inside the war-torn country and are reluctant to go home,” ayon kay Arriola.

Para naman sa mga marino, nakikipag-ugnayan ang DFA sa kanilang mga local manning agencies at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para mapadali ang kanilang paglikas.

Samantala, pinayuhan sila ni Arriola na humiga at magtago, lalo na kapag matindi ang bombahan at hindi na posible ang paglikas.

“If that is the case, we have been advised by our security sector that you have to hunker down and take cover and wait until the firing subsides. You should not take the risk and leave your ships,” ang bilin niya sa mga Filipino.

Sinabi ni Arriola na karamihan sa mga land-based na Filipino sa Ukraine ay nasa Lviv at Kyiv habang ang mga seafarer ay nasa Black Sea sakay ng kanilang mga merchant ship.

Noong Martes, ligtas na nakarating sa Pilipinas ang 21 Filipino crew members ng MV S Breeze matapos ang isang rescue sa Odessa, Ukraine patungong Moldova noong unang bahagi ng buwan. Kasama rin sa 63 repatriates ang mga seafarer mula sa MV Joseph Schulte.

“As for seafarers, we are closely monitoring with POEA. We are receiving several calls for evacuation and we are helping them… We’re expecting more to arrive today and the following days,” dagdag pa ni Arriola.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.