DFA sa mga Pinoy sa Gaza: Pumunta sa border ng Egypt at tutulungan silang tumawid

0
173

Ipinaabot ng Pilipinas ang Alert Level 4 sa sitwasyon sa Gaza, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, Oktubre 15.

Dahil sa pagtaas ng alert level na ito, kinakailangan na o bligahin na mag-evacuate ang mga Filipino mula sa Gaza. Dagil dito, mariing nanawagan ang DFA sa lahat ng mga Pilipino sa Gaza na agad na lumisan, at nangako itong tutulungan silang makatawid patungo sa Egypt.

Sa kasalukuyan, mayroong 131 Filipino na naroroon sa Gaza.

Noong Huwebes, itinaas ng DFA ang Alert Level 3 sa Gaza, na nangangahulugang voluntary repatriation.

Ayon sa mga ulat mula sa NBC, may mga refugees na naghihintay na makapasok sa Egypt, kabilang ang mga Amerikano. Kaakibat nito, nakikipag-usap si US Vice President Anthony Blinken sa Egypt. Bukas, inaasahan ang paglisan ng barko ng US palabas ng Israel.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.