DFA: Walang Pilipinong nasaktan sa pagputok ng bulkan sa Tonga

0
555

Wala pang Pinoy na nasawi sa naiulat kasunod ng malakas na pagsabog ng isang under water volcano sa Tonga, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules.

Ang bulkan, na nasa pagitan ng mga isla ng Hunga Tonga at Hunga Ha’apai, ay sumabog noong Sabado, na nagdulot ng tsunami at wave alert sa ilang bahagi ng mundo.

Nakatanggap ang Embahada ng impormasyon mula sa Association of Filipinos in Tonga Inc. “na ang bawat mamamayang Pilipino sa Kaharian ng Tonga ay naitala na at walang nasawi”.

Ang mga international call at Internet ay hindi pa rin magagamit sa bansa.

Ang Embahada ay patuloy na nagsisikap na makipag-ugnayan sa mga Filipino sa Tonga gamit ang emergency satellite phone nito.

Maaaring tumagal pa ng dalawang linggo bago ganap na maibalik ang sistema ng komunikasyon sa bansang Pacific Island country, ayon sa DFA.

“The Department of Foreign Affairs, through the Philippine Embassy in Wellington, will continue to closely monitor the situation in Tonga, to ensure the continued safety of our kababayans,” dagdag pa nito.

Mayroong hindi bababa sa 87 na Pilipino sa Tonga, 300 sa Samoa, at 400 sa Fiji, ayon oa rin sa report.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.