DFA: Walang Pinoy na nasawi na naiulat sa heat waves sa buong Europe

0
456

Isang matinding heat wave na tinatawag ng mga meteorologist na “apocalypse” ang bumalot sa karamihan ng Europe at United Kingdom mula pa noong Lunes, at daan-daang tao ang namatay dahil sa mataas na temperatura at mabangis na wildfire.

Hindi bababa sa 748 ang namatay kaugnay sa naiulat sa heat wave sa Spain at Portugal, kung saan umabot sa 117 degrees ang temperatura ngayong buwan.

Kaugnay nito wala pang Pinoy na naiulat na nasawi sa ngayon sa gitna ng nakapapasong heat waves na dumaan sa buong Europe, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Deputy Assistant Secretary Gonar Musor kahapon.

Binanggit ni Musor na ang mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa Europa ay patuloy na nagpapaalala sa lokal na komunidad ng mga Pilipino na sundin ang mga kinakailangang pag-iingat laban sa mga negatibong epekto na dulot ng heat wave.

Ilang bahagi ng Europe ang dumaranas ng matinding init at sunog ngayong buwan, na nagdulot ng pagtaas ng polusyon sa hangin sa kontinente.

Sa isang advisory noong Hulyo 19, inasahan ng mga siyentipiko ng Copernicus Atmosphere Monitoring Service ang “napakataas na level” ng polusyon sa ibabaw ng ozone sa isang malaking rehiyon ng Europe habang tumataas ang temperatura.

Binanggit ng World Health Organization (WHO) na ang mababang kalidad ng hangin ay nagdudulot ng negatibong epekto, lalo na sa mga taong mahina ng katawan.

“Kapag ang isang heat wave ay sumasabay sa mataas na antas ng polusyon, ito ay nagpapalala sa respiratory, cardiovascular disease at kondisyon, lalo na sa malalaking urban space na hindi angkop upang makayanan ang mga sobang init na ito,” sabi ni WHO Director of Environment and Health na si Maria Neira kanina.

Samantala, sinabi ng United Nations World Meteorological Organization (WMO), ang pagtaas ng temperatura ay “inaasahang magiging pamantayan kung hindi tayo kikilos ngayon.”

“In the future, this kind of heat waves are going to be normal. We will see stronger extremes,” ayon sa babala ni  WMO Secretary General Petteri Taalas.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.